Something Worth Trying

Mikael de Lara Co blogs. Tumbls. Whatever.
Who I Follow

Gabing tulad nito nang gawin kong berso 
ang bawat bituin. Pilak na anino 
ang ilaw ng buwan sa ‘ting mga noo. 
Kumislap ang hamog sa piling ng damo. 

Ngayon ay buhaghag, tayantang ang lupa; 
karayom sa mata ang sinag ng tala. 
Iisang taludtod sa iisang tula: 
ang b’wan ay ‘sang sugat; ang gunita, sumpa. 

  1. kaelco posted this